Panata sa Sarili… at sa Bayan
Malapit na ang aming unang pagsabak (actually, sa ibang araw pa talaga yung first/pilot day namin). Ito ang simula ng pagbabago sa kinagisnang pagtangkilik sa Philippine Free TV. Challenging kung tutuusin in terms sa ratings, pero no doubt na ang pagbabagong ito ay parte ng pagiging matured/open-minded ng mga Pilipino sa kanilang lipunan.
Gusto ko lang balikan yung pinagpipilitan kong pangarap simula nung nag-graduate ako sa PUP. Gusto ko mag-work bilang news reporter, radio DJ, host, etc. sa kabila ng aking pagkabulol, possible negative criticism at kakulangan sa kumpyansa sa sarili. Medyo nainggit nga ako minsan sa mga unang nakapasok at nagtagumpay bilang news reporter, singer, radio DJ, etc. na kasabayan ko lang nag-graduate, pati rin siguro sa mga P.A., researcher, etc. na nasa likod ng mga successful na programa. Minsan ko na ikinuwento yun dito sa Tumblr, pati yung frustration just to fulfill that ambition. Kahit papaano, “better late than never.”
This month lang ako nakapasok sa isang TV network. Nagkataong urgent talaga hiring nila kaya ganon. I still feel myself blessed dahil ang bilis ng mga pangyayari. Buti hindi ko naranasan uli yung pangyayaring tipong ipapaasa ka lang pala sa huli. Medyo challanging nga eh, dahil bukod sa reformatted ang channel at bagong shows ay ang taas pala ng expectations nila kapag PUP graduate ka.
Nang makapasok na ako, nagbalik na uli ang diwa ko. Matutupad na ang matagal na inaasam ko. Pero may kaunting pagbabago sa pangarap ko. Siguro nakapasok ako dito dahil binawasan ko ang pagiging hambog sa sarili ko, yung pagiging mainggitin at yung pag-iisip na bawat taong nasa paligid mo ay kakumpetensya mo. Nakakasawa na kasi minsan yung ganong perspektibo. Nakakamatay rin. Yup, pangarap ko pa ring ipakita ang aking galing at talino, pero sa pagkakataong makakatulong rin ako sa mga tao. Naisip ko na ang tunay na dahilan kung bakit ako napabilang sa TV network na ito ay marahil magiging instrumento ako para sa katotohanan at pag-ahon. Ito ang naisip na paraan ng Diyos para ihaon hindi lang ang sarili ko, pati na rin ang lipunang kinabibilangan ko.
Dahil oras-oras, may nagtatanong at oras-oras, may naghahanap ng sagot, kailangang oras-oras, alam mo.
* Dahil nandito na ako ngayon, siguradong “oras-oras, alam ko!”